Unang klase ng tao...
"SIMPLE" : sila ang mga taong ang tanging pangarap lang sa buhay ay magkatrabaho ng matino. Mga nagtapos ng pag-aaral, or kundi man, pinangarap na magtapos ng pag-aaral at maging empleyado. Sumasakay sila ng PUJ's, bus at MRT... dagdag gastos ang tingin nila sa pagta-taxi. Typical sunday nila and mag-simba at kung may pera, iikot sa SM kasama ang kapatid or anak or ka-relasyon. Hindi sila malakas tumawa, lalo na kapag hindi pa sya kampante sa kasama nya. Nag babaon sya ng lunch at mahilig sya manood ng telenovela pag nasa bahay na sya.
"PA-SIMPLE" : sila ang mga gaya-gaya sa taong simple. Sinisigaw nilang simple sila pero kapag may mga "sosyal" sa paligid, pilit naman silang nakikisabay. Bihira sila mag-taxi pero feeling nila hindi sila marunong mag-commute. Pero ilang araw bago ang sweldo, nakikisiksik na sila sa MRT with feeling diri na parang never pa sila nakasakay dun at dirty. Pupunta sila sa bar pag may sweldo pero dun sila sa may promo tapos puro sml or rh lang ang order at walang pulutan. Malalakas sila tumawa at ang karaniwang pinagtatawan ay ang mga "pa-simpleng" katulad nila.
"PA-SOSYAL" : sila naman ang mga taong tingin nila sa sarili nila ay angat sa mga taong "simple" at "pa-simple". Nagtataxi sila pag bababa sa lugar na may mga "sosyal". Malakas silang gumimik pero iba ang nagbabayad. Mahilig silang dumikit sa mga "sosyal" dahil akala nila nakakahawa yun. Marami silang "friends" na hindi talaga sila kilala at pipila na lang sa "strbx" para bumili ng frappe kesa ipambili nila ito ng lunch. Malakas sila mag-salita lalo na pag "english" at malakas din sila tumawa lalo na kapag nagpapa"belong". Madalas syang gumamit ng mga salita na hindi nya alam ang ibig sabihin. Wala syang cash. May maxxed out or ma-ma-max out na na credit card at maghihintay sya ng susunod na sweldo bago sya maka-gimik uli.
"SOSYAL" : sila ang mga taong maraming kaibigan. Lagi silang naiimbitahan sa mga event hindi dahil sa mayaman sila, kundi nagdadala sila ng ibang klaseng personalidad pag may party. Malakas ang appeal, laging may gustong kumausap sa kanya, mapagkumbaba sya pero yun nga lang medyo mahilig talaga sya gumimik. Mabilis syang hatakin kung saan at imbitahan kaya karaniwan na may sarili silang sasakyan. Laging may "cash" sa wallet, para sa mga establishments na hindi pa pwede tumanggap ng card, marami syang alam na bagong lugar at marami syang appropriate clothes.
"MAYAMAN" : sila naman ang mga taong nagpapa-"event". Hindi sila kasing "friendly" ng mga "sosyal" kaya naman gusto nilang makipag kaibigan sa mga ito. Karaniwan silang tahimik, mababaw ang kaligayahan at mahirap mahanap. Nahahalo lang sa mga sosyal at simple ang mga pinapakisamahan nila, at madalas na hindi sila nagtatagal sa isang pagdiriwang. Hindi mismo sila ang naglalabas ng cash dahil "pre-arranged" ang kanilang mga lakad. Kung hindi man, meron silang "secretary" na gumagawa ng bayarin para sa kanila.
"LANGAW SA KALABAW" : sila naman ang mga taong maraming pera dahil, a.)matapos ang pagiging pa-sosyal e naka jackpot bigla sila ng malaking halaga, or b.)anak sila ng "mayamang" magulang na binibigay lang sa kanila ang lahat ng layaw nila na wala namang pinagkakatutunan. Karaniwan silang mapang-lait sa kapwa, mapanghusga, at mahirap i-"please". Sila ang mga taong nakakatapos lang ng mga bagay dahil namimigay sila ng pera. Madalas silang lumabas, madalas silang angat sa paningin pero di katulad ng "mayaman", hindi sila kakikitaan ng "finesse". Maaaring may trabaho rin sila, pero karaniwan ay hindi susuma ang kinikita nila sa kanilang mga gastusin.
No comments:
Post a Comment