Welcome

read on... i hope you can find a topic you can relate to... if not... at least you have something to do to while waiting for 5. enjoy...

I am

My photo
no one was harmed in making any of these articles. (at least i try not to) and if i did, i didn't mean it.

Monday, June 9, 2008

To The Gates of DFA

Sabihin na natin na sa edad kong ito..(ahem..a quarters worth), ngayon ko lang talaga napagdesisyunan na subukan na pumunta sa ibang bansa. Not just because the government here is leading to a blind spot and employment is good only if you're a nocturnal animal, but i am really interested to see other cultures, beautiful places and whatever it can still unfold. So ok, part 1...kumuha ng passport.

Sa araw na yon,nakuha ko rin ang LCR ng birth certificate ko na matagal nang nawawala..at kasalukuyang may hinohostage na isang bus ng mga bata sa tabi ng city hall ng maynila kaya sobrang traffic...(yes, i was there...) I always believed i have a natural sense of direction so i am confident to say na never pa ako naligaw...pwede nga akong maging kartero eh..anyway, so sumakay ako ng jeep mula cthall..pumara ako ng jeep nakalagay DFA..bayad..10 pesos..ibig sabihin malayo..dahil kung malapit lang..7pesos lang. At dahil medyo atat ako,sinubukan kong magtanong sa katapat kong mama..may katabaan,mukang mga 28years old at kulang sa sex life..hahaha..sa may mabini..sabi nya..baba ka na rito..punta ka roxas blvd. malapit na yon lakarin mo na lang. Willing na sana ako bumaba..buti na lang may ale na sumabat at pataray na umepal..sabi nya sa lalaki "ano ka!? ang layo layo nun noh!dun pa yun sa may libertad!..hay naku iha..ako magtuturo sayo kung san ka bababa!"... whew! at na-realize ko na lang na kung sinunod ko yung lalake e malamang,nagmuka na akong taong grasa pagkadating ko ng DFA!

So eto na..pagbaba ko sa kanto, since di ko ugali mamansin...may mamang sumabay sa paglalakad ko (take note: mabilis ako maglakad!)..nagsalita sya..sabi nya "DFA ka rin?", sabi ko "oo"..sabi nya "ako rin eh,mag re-renew ng passport..ikaw?", "mag-aapply"..at sabi nya habang tinuturo ang isang maliit na xerox at photo shop.."kuha ka dyan ng number para di ka pumila nang mahaba".. ako.."?"..at may masungit na babae sa loob,hinihingi yung requirement ko at i-checheck daw..confident naman ako na kumpleto..pinakita ko..sabi ok na daw. binigyan ako ng form..at titignan daw ang litrato ko..pagkakita nung isang lalake sa pic ko..ngumiti sya..parang nag isip ..sabay sabi.."miss,di pwede yung ganitong picture,dapat walang hikaw at walang bangs...".... "ANO!?" haler! nakalagay kaya dun sa sobre na #1 photograph shop sila at tinatanggap yung pic na yun sa DFA..so sabi ko..ok na yun.At gusto pa niya ko pilitin na magpakuha sa kanya kaso tinarayan ko. Naramdaman ata ng kasama nya na wala silang kikitain sakin, bigla syang nagsalita nang.."miss,kuha kayo ng number sa lumang office..sa kabila", "lumang office?"... may isang mama na sumabay sakin at sinabing sya rin daw ay kukuha ng number.medyo malayo na ang nalakad namin kaya nabibwiset na ko..(take note:alas dos ng hapon yon!) sabi ko "lumang opis ng DFA?!"..sabi nya "oo"..at bigla na lang bumulaga ang isang opis na may nakalagay "TRAVELLING AGENCY"..naisip ko..tanga ba tong kasama ko?kaya pagkapasok ko dun sumigaw ako.. "san kukuha ng number?"..may sumagot "walang number"..may babaeng kumaway at pinapunta ko sa lamesa nya,binigyan ako ng form..sinusulatan ko na..kasi nakalagay naman "NOT FOR SALE" so ok lang..mya mya umikot ikot sa akin ang anak nung ale na bata..so nginitian ko..nagkangitian kami..tapos bigla na lang bumulong yung ale.. "miss, travelling agency to...hindi kami DFA..", sinagot ko sya.."salamat..aalis na ko", sabi nya "ok..basta dumirecho ka na lang ha..." Thank God! may angel pa rin ako..so sa kabwisitan ko sa nagattemp na goyoin ako, sa kabilang side ako naglakad pabalik ng DFA...

malapit na ako sa gate,nang may isang mama na naka barong pa na may hawak na istik ang humarang sakin at pilit na sinasabi na iche-check ang dala ko..gaya ng nauna,pinipilit nila na mali ang dala kong picture..anak ng p*ta! tumalikod ako para lumabas pero hinarang ako at sinundot sundot ng istik nya! hinaharang ako! nilampasan ko sya..hinabol habol nya ko..tapos sumigaw sya sa isa pang mas malaking mama na nakabarong.. "sir oh! ayaw magpa-check!"..so eto na ang isa pang mas malaking mama,mukang kontrabida sa pelikula ni vic sotto! sinundot sundot din nya ko ng stick at pilit pinababalik! so sabi ko..bakit ba? sino ba kayo?..sabi nya authorized daw sila ng DFA na mag "screen" ng mga kukuha ng passport.. tinitigan ko sya at ang ID nya..sabi ko...e ano ba yan ID mo photograpy studio lang yan! sabi nya e hindi nga ho e..basta pumasok kayo dun at ipa-screen yang papel nyo! lumakad uli ako..sinundot uli ako ng stick..tinapik ko yung stick nya at sinigawan ko "dun ko sa guard gusto magtanong!" sabay layas..humabol pa sya ng salita "ah ganon!"... pakyu!! ilang hakbang palapit sa guard..may sumigaw pa "tapos na..hindi na magpapapasok..dito na kayo pumila!" so hindi ko pinakinggan..chineck ko muna yung ID ng guard..DFA nakalagay..salamat sa DIyos..at walang ano ano,pinapasok ako ng guard..chineck kung ano ang gagawin ko sa loob..ok na.. at wala pang 30 minutes..nakakuha na ako ng resibo na nakalagay kung kelan makukuha ang passport ko... natapos din...

Lilinawin ko lang...hindi ako galit sa mga taga DFA... ito ay isang warning sa mga pupunta dun..maraming unggoy sa gilid..kasi nung napasok ko yung maliit na opisina sa labas..ang dami dami nilang nauuto...as in! kaya..mag ingat..mag ingat..mag ingat! dumirecho lang sa basketball court sa loob ng DFA at wag mamamansin ng mga taong biglang nagsasalita..

No comments:

Post a Comment